Makikipag-ugnayan ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Trade and Industry (DTI) at sa mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin sa Davao Oriental matapos ang malakas na lindol noong nakaraang linggo.
Ayon kay PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., layunin ng hakbang na ito na maiwasan ang looting at mapanatili ang kaayusan sa mga apektadong lugar.
Nauna nang inanunsyo ng DTI ang pagpapatupad ng price freeze mula Oktubre 13 hanggang Disyembre 12, 2025, upang matiyak na nananatiling abot-kaya at stable ang presyo ng mga pangunahing produkto.
Tiniyak din ng PNP na may sapat na tauhan at assets silang naka-deploy upang tumulong sa relief at rehabilitation operations sa lugar.