dzme1530.ph

Tatlong araw na transport strike ng Manibela, naging mapayapa —PNP

Loading

Walang naitalang anumang untoward incident ang Philippine National Police (PNP) sa isinagawang tatlong araw na transport strike ng grupong Manibela.

Ayon kay PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., naging maayos at mapayapa ang kabuuang kilos-protesta ng grupo.

Nagpakalat ng mga tauhan ang PNP sa mga transport terminal at pangunahing kalsada upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko at kaayusan ng trapiko.

Nakipagtulungan din ang PNP sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), MMDA, DOTr, at mga lokal na pamahalaan para sa pagbabantay at pagtulong sa mga commuter.

Maalalang nagsimula ang transport strike noong Oktubre 13, na isinagawa sa Quezon City, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.

About The Author