Nagkaroon ng emergency power outages sa halos buong Ukraine kasunod ng matinding pag-atake ng Russia sa kanilang energy infrastructure.
Ito na ang ikaapat na sunod na winter na naranasan ng Ukraine mula nang ilunsad ng Russia ang full-scale invasion noong Pebrero 2022.
Ayon sa Energy Ministry, lahat ng rehiyon sa Ukraine maliban sa dalawa ang naapektuhan ng air strikes.
Tanging eastern Donetsk region, na nasa frontline ng digmaan, ang hindi naapektuhan, habang ang northern Chernihiv region ay nakararanas ng ilang oras ng outages.
Bukod sa power network, pinaigting din ng Russia ang pag-atake sa mga railway system ng Ukraine.