Matapos ang apat na dekada sa himpapawid, isasara na ng MTV ang ilan sa kanilang music channels sa United Kingdom sa katapusan ng taon.
Batay sa ulat ng BBC, ititigil na ang broadcast ng “MTV Music,” “MTV 80s,” “MTV 90s,” “Club MTV,” at “MTV Live” pagsapit ng Disyembre 31.
Mananatili namang on air ang “MTV HD,” ang flagship channel kung saan ipalalabas ang ilang reality series.
Ayon sa media outlet, bahagi ito ng restructuring efforts ng Paramount Global kasabay ng pagtutok ng kumpanya sa digital platforms at streaming services.
Marami na rin sa traditional music channels ng MTV ang nauna nang nagsara, kabilang ang MTV Philippines, kung saan nakilala bilang video jockeys sina Donita Rose, Jamie Wilson, at KC Montero.