dzme1530.ph

Mastermind sa sistematikong katiwalian sa flood control projects, mahalagang matukoy at mapanagot

Loading

Umapela si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa Senate Blue Ribbon Committee at sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na tuntunin at papanagutin ang tunay na mastermind sa sistematikong at malawak na katiwalian sa mga flood control projects.

Ayon kay Cayetano, hindi ordinaryong iregularidad ang nadiskubre sa ulat ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Se. Vince Dizon, kung saan natuklasan ang 421 ghost flood control projects sa Luzon, Visayas, at Mindanao mula sa 8,000 proyekto na sinuri ng kagawaran.

Idinagdag pa ng senador na dapat unahin ng ICI at ng Senado ang pagkumpleto ng listahan ng lahat ng flood control projects mula 2024 hanggang 2025, at ipatawag ang mga opisyal at contractor na sangkot upang matukoy kung sino ang tunay na nagmaniobra sa anomalya.

Binigyang-diin din ng senador na patunay ng panggugulo at pananabotahe ng mga mastermind ang kawalan pa rin ng kumpleto at malinaw na listahan ng lahat ng flood control projects sa bansa, tatlong buwan matapos ianunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang katiwalian.

Iginiit ni Cayetano na kailangang seryosohin ng Senado at ng ICI ang pagtukoy sa mga utak ng katiwalian upang tuluyang matigil ang sistematikong pagnanakaw sa pondo ng bayan.

About The Author