Nakatakdang magbukas ang Pilipinas ng embahada sa Kazakhstan sa susunod na taon.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Ma. Theresa Lazaro, ito ang magiging kauna-unahang Philippine embassy na mag-o-operate sa Central Asia.
Aniya, napakahalaga nito sa rehiyon upang maisulong ng Pilipinas ang mas mataas na economic engagement sa mas maraming bansa.
Itinatag ng Pilipinas ang formal diplomatic relations sa Kazakhstan noong Marso 19, 1992.
Sa kasalukuyan, ang Philippine Embassy sa Moscow ang may hurisdiksyon sa Kazakhstan.