dzme1530.ph

Rice Tariffication Law, naging lason sa industriya ng bigas sa bansa —Sen. Pangilinan

Loading

Inilarawan ni Senate Committee on Agriculture Chairman Francis “Kiko” Pangilinan na naging lason sa halip na pataba sa industriya ng bigas sa bansa ang ipinatupad na Rice Tariffication Law.

Kaya naman, muling iginiit ni Pangilinan ang pangangailangan na amyendahan ang batas upang matiyak na makatutulong ito sa mga magsasaka.

Sa pagdinig sa Senado, kinumpirma ni Pangilinan na bubuo na sila ng technical working group upang bumalangkas ng committee report na maglalaman ng mga aamyendahang probisyon sa batas na aniya’y nagpahina sa National Food Authority (NFA) at naging dahilan ng pagbaha ng imported na bigas.

Batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority, as of September 2025, ang farmgate price ng palay ay ₱15.60 per kilo, subalit maraming organisasyon ng mga magsasaka ang nagsabing ang aktwal na farmgate price ay bumaba hanggang ₱8 kada kilo.

Binanggit din ng senador ang problema sa price manipulation, mga iregularidad sa warehouses, at ang kawalan ng awtoridad ng NFA na maprotektahan ang mga magsasaka at mga consumer.

Sinang-ayunan ni Pangilinan ang panawagan ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. upang i-overhaul ang sistema at i-modernize muli ang NFA.

About The Author