dzme1530.ph

Sen. Padilla pinahintulutan ang pagsasapubliko ng kanyang SALN

Loading

Pinahintulutan ni Sen. Robin Padilla ang secretariat ng Senado na isapubliko ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Sa kanyang sulat kay Senate Secretary Atty. Renato Bantug, sinabi ni Padilla na kusang-loob niyang ibinibigay ang pahintulot sa anumang aksyon o proseso para sa full disclosure ng kanyang SALN, alinsunod sa mga batas tulad ng Data Privacy Act at iba pang patakaran.

Binigyang-diin pa ni Padilla na kaisa siya sa diwa ng ganap na pagpapahayag at katapatan batay sa prinsipyo ng “Public office is a public trust” na nakasaad sa Konstitusyon.

Samantala, sa kanyang Facebook post, inalmahan ni Padilla ang komento ng ilan na nagpapansin umano siya kaya’t ginawa ang pagsasapubliko ng SALN.

Ipinaliwanag niyang siya ang chairman ng Senate Committee on Public Information na nagsusulong ng Freedom of Information kaya’t ang kanyang hakbang ay bahagi ng kanyang pakikipaglaban.

Samantala, para kay Senador Kiko Pangilinan, dapat ding hamunin na isapubliko ang SALN ni dating Ombudsman Samuel Martires na siyang nagpapatupad ng mahigpit na regulasyon sa paglalabas ng dokumento.

Sinabi ni Pangilinan na posibleng sa paglalabas ng SALN ni Martires ay malaman kung bakit siya naghigpit sa regulasyon.

About The Author