Pagpupulungan ng mga senador ang usapin kaugnay sa pagsasapubliko ng kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN.
Ito ang sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III kasunod ng pag-aalis ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa patakaran na ipinataw noong Duterte administration sa paglalabas ng SALN.
Sinabi ni Sotto na hindi na bago para sa mga senador ang pagsasapubliko ng kanilang mga SALN.
Noong siya aniya ay Senate President ng 18th Congress, pinapayagan ang access sa mga SALN ng mga senador, ngunit ito ay kinakailangan ng individual approval o pagsang-ayon ng bawat mambabatas.
Inaalis lamang nila sa dokumento ang address ng mga property na nakalagay sa SALN.
Tiniyak naman ni Sotto na handa siya anumang oras na ibigay ang kanyang SALN.