dzme1530.ph

PHIVOLCS, tutulong sa DepEd upang maging science-based ang class suspensions

Loading

Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang Department of Education (DepEd) sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) matapos ang magkakasunod na lindol sa Cebu at Davao Oriental, para sa pagpapatupad ng suspensyon sa face-to-face classes.

Ipinaliwanag ni Education Secretary Sonny Angara na ang kanilang pakikipag-partner sa Phivolcs ay upang balansehin ang kaligtasan ng mga estudyante at mapanatili ang kanilang pagkatuto sa panahon ng sakuna.

Sinabi ni Angara na sa usapin ng kalamidad, bukod sa maagap, dapat ay eksakto rin ang kilos.

Mahalaga aniya ang pakikipag-ugnayan nila sa Phivolcs upang ang bawat desisyon ay nakabatay sa siyensya at hindi sa pangamba.

About The Author