dzme1530.ph

Pagkalugi sa one-month tax holiday, kolektahin sa mga tiwaling kontraktor, opisyal at pulitiko

Loading

Iginiit ni Sen. Erwin Tulfo na kunin sa mga tiwaling kontraktor, opisyal ng gobyerno, at mga pulitiko ang mawawalang koleksyon ng gobyerno kung ipatutupad ang ipinapanukala niyang one-month tax holiday.

Ito ay makaraaan ang pagtaya na nasa ₱30 hanggang ₱50 bilyon ang mawawala sa gobyerno kung magpapatupad ng isang buwang libreng buwis para sa mga taxpayer.

Kung babawiin aniya sa mga kontraktor, tiwaling pulitiko, at mga opisyal ang mga ninakaw na pondo, ay posibleng umabot pa sa trilyon ang makuha ng gobyerno.

Sinalag din nito ang impormasyon na posibleng mayayaman lamang ang makikinabang sa tax holiday.

Binigyang-diin ni Tulfo na hindi naman nagnanakaw ang mga mayayamang taxpayer at sa halip ay tumutulong pa.

Mas mabuti aniya na singilin ang ₱30–₱50 bilyon kina dating Rep. Zaldy Co at mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.

Nilinaw naman ng senador na ang kanyang panukalang tax holiday ay one-time lamang upang makabawi ang taumbayan sa buwis na aniya’y ninakaw sa kanila.

About The Author