Pinag-aaralan ng Senado na bumuo ng Bring Back Better Fund upang magamit sa reconstruction ng mga nasirang bahay at iba pang imprastraktura dahil sa mga lindol.
Ito ang kinumpirma ni Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian.
Sinabi ni Gatchalian na plano nilang kunin ang pondo sa Local Support Fund upang makatulong sa pagtatayo ng mga bahay ng mga naapektuhan ng lindol.
Magiging bahagi aniya ito ng 2026 national budget, subalit hindi ito bagong item at sa halip ay maglalagay lamang sila ng mga criteria para magamit ang pondo.
Ngayong taon, kumpiyansa pa ang senador na sasapat pa ang natitirang ₱182 bilyong pondo ng gobyerno para sa pagresponde sa iba’t ibang kalamidad.