dzme1530.ph

Sesyon ng Senado, nag-adjourn na para sa Undas break

Loading

Nag-adjourn na ngayong umaga ang sesyon ng Senado para sa Undas break ng Kongreso.

Tumagal lamang ng limang minuto ang pagpapatuloy ng sesyon ngayong araw na ito na sinimulan kaninang alas-10 ng umaga.

Sa sesyon ay binasa ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito ang hiling ng Kamara para sa consent ng Senado na payagan silang mag-convene ng sesyon sa October 13.

Dahil napagkasunduan ng mga mambabatas at ni Pangulong Bongbong Marcos na huwag nang mag-isyu ng sertipikasyon sa pagtalakay sa pambansang pondo, kaya mag-e-extend pa ng tatlong araw ang Kamara para sa approval sa third and final reading ng budget.

Inaprubahan naman ng Senado, sa pangunguna ni Senate President Tito Sotto III, ang three-day na palugit na hiling ng Kamara at ang pag-convene sa susunod na Lunes.

Samantala, bago magsara ang sesyon ay inanunsyo rin ni Sotto na si Senator Erwin Tulfo muna ang uupo bilang Acting Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

Magbabalik naman ang sesyon ng Kongreso sa November 10.

About The Author