dzme1530.ph

Rep. Ridon, ipinalilinaw sa SEC ang ₱1.7-trillion loss sa stock market

Loading

Ipinalilinaw ni Bicol Saro Partylist Representative Terry Ridon kay Securities and Exchange Commission (SEC) Chairman Francis Lim ang pahayag nito na ₱1.7 trilyon ang nawala sa stock market sa loob lamang ng tatlong linggo dahil sa umano’y korapsyon.

Sa forum ng Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX), sinabi ni Lim na bumaba ang public confidence sa mga public-listed companies dahil sa flood control scandal.

Ayon kay Ridon, bagama’t totoo na bumaba ang Philippine Stock Exchange index (PSEi) sa nakalipas na tatlong buwan, sa pagsusuri ng mismong PSE, ang pagbaba ay bunsod ng mahinang economic fundamentals, at hindi dahil sa flood control issue.

Batay sa datos, July 14 pa lamang, o dalawang linggo bago ang SONA kung saan ibinulgar ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang flood control corruption scandal, nagsimula nang humina ang stock market.

Dagdag pa ni Ridon, sa one-year horizon mula October 9, 2024 hanggang October 9, 2025, hindi umano accurate ang pahayag ni Lim.

Giit ng kongresista, bagama’t mahalaga ang good governance bilang haligi ng investor confidence, hindi sapat na dahilan ang flood control scandal upang ipaliwanag ang kabuuang paghina ng merkado at pagbagal ng ekonomiya.

About The Author