Pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na magpapalawak sa Philippine Science High School (PSHS) System bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan na i-promote ang science, technology, at research and development.
Nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act No. 12310 o ang “Expanded Philippine Science High School System Act” noong Oktubre 3.
Nakasaad sa bagong batas na kinikilala ng Estado ang pangangailangan na paghusayin ang Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) education, training, at services upang suportahan ang self-reliant scientific and technological capabilities na magpapataas ng productivity at kalidad ng buhay ng mga Pilipino.
Layunin ng RA 12310 na magtayo ng PSHS campuses na magbibigay ng scholarship-based secondary education programs na may espesyal na pagtutok sa STEM para sa mga mag-aaral na mahuhusay sa science at mathematics.