Bukod sa overloaded trucks, may iba pang mga dahilan sa pagguho ng Piggatan Bridge sa bayan ng Alcala, Cagayan, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi ni Public Works Secretary Vince Dizon na makalawang na ang tulay, at simula ng maitayo noong 1980, isang beses pa lamang na-retrofit ang piggatan bridge noong 2016.
Inihayag ni Dizon na nakita niya ang budget noon na napakaliit lamang, nasa ₱11.7 milyon.
Sa bahagi naman ni Cagayan Gov. Edgar Aglipay, humingi ito ng paumanhin dahil napabayaan umano ang kondisyon ng tulay.