dzme1530.ph

PBBM, inatasan ang DICT na gawing ligtas ang panahon ng Kapaskuhan mula sa online scams

Loading

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na linisin ang online scams.

Ito ay upang matiyak ang kapanatagan ng mga Pilipino kapag mayroong online transactions sa panahon ng Kapaskuhan.

Sinabi ni DICT Secretary Henry Aguda na nais nilang maging “worry-free” ang publiko sa Christmas season kapag ang kanilang transaksyon ay online, kung saan maluwag ang paggamit ng credit card at online payment.

Bilang tugon sa direktiba ng Pangulo, inihayag ni Aguda na nakipag-ugnayan na ang DICT sa Global Anti-Scam Alliance, Globe Telecom, at iba pang telecommunications companies para sa naturang hakbang.

About The Author