dzme1530.ph

Napabalitang pagbibitiw ng isang miyembro ng ICI, walang katotohanan

Loading

Mariing pinabulaanan ni Executive Director Atty. Brian Hosaka ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na may miyembro ng komisyon na nais magbitiw sa puwesto.

Ayon kay Hosaka, hindi totoo ang naturang impormasyon, at nilinaw niyang buo pa rin ang komisyon.

Dagdag pa ni Hosaka, patuloy ang imbestigasyon ng ICI alinsunod sa kanilang mandato, tiyakin ang pananagutan ng mga sangkot, at ibalik ang integridad sa mga proyektong pang-imprastruktura ng gobyerno.

Una rito, ibinunyag ni Caloocan City Representative Edgar Erice na may miyembro umano ng ICI ang nawawalan na ng pag-asa sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng flood control anomaly.

Samantala, dumating naman si Sen. Mark Villar sa tanggapan ng ICI upang dumalo sa nakatakdang pagdinig ngayong araw.

Kasama sa iimbestigahan ng ICI ang mga flood control projects noong si Villar pa ang nakaupong DPWH Secretary sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

About The Author