Hindi bababa sa 30 pulis ang ipadadala ng Police Regional Office 7 upang magbantay sa mga tent cities sa Cebu.
Ayon kay PRO 7 Regional Director, Brig. Gen. Redrico Maranan, magtatalaga sila ng mga pulis na magbabantay sa police assistance desks at mobile patrols sa mga lugar tulad ng Bogo City, San Remigio, at Medellin na mga lugar na pinakaapektado ng magnitude 6.9 na lindol noong September 30.
Kasabay nito, tumutulong din ang pulisya sa pagtatayo ng mga tent katuwang ang DPWH at Philippine Red Cross.
Magtatatag rin ng mga checkpoint ang PNP, partikular sa Northern Cebu, habang tiniyak ni Maranan na nananatiling payapa ang rehiyon at wala pang naitatalang focus crimes matapos ang trahedya.