dzme1530.ph

Loyalty check, ‘di kailangan sa mga senador

Loading

Iginiit ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na walang dahilan upang magsagawa ng loyalty check sa hanay ng majority senators.

Sinabi ni Sotto na tiwala ito na matatag ang liderato ng Senado at hindi niya alam kung saan nanggagaling ang kumakalat sa social media na may banta ng kudeta laban sa kanyang leadership.

Ayon kay Sotto, entitled ang sinuman sa kanilang opinyon sa gitna ng sinasabi ng ilan na kaya nagbitiw si Lacson bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee ay para maisalba ang kanyang pagiging Senate President.

Sinabi pa ni Sotto na nagkausap sila ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, kung saan sinabi nito sa kanya na wala naman siyang kinakausap para mapalitan siya sa puwesto.

Aminado si Sotto na ang namumuno sa Senado ay nagsisilbi “at the pleasure” of his colleagues.

Kagabi, kinumpirma ni Sotto na natanggap na niya ang resignation letter ni Lacson, kung saan muling ipinaliwanag ng nagbitiw na chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na walang katotohanan ang mga naratibong may pinoprotektahan siya sa imbestigasyon sa flood control projects.

Nanindigan si Lacson na sinusundan lamang nila ang mga ebidensya at mga dokumentong lumalabas sa pagdinig.

About The Author