dzme1530.ph

Rehabilitasyon sa mga nasirang imprastraktura sa Northern Cebu, sisimulan na

Loading

Sisimulan na ngayong Lunes ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang rehabilitasyon sa mga pangunahing imprastraktura sa Northern Cebu na nasira ng magnitude 6.9 na lindol.

Sinabi ni DPWH Sec. Vince Dizon na aabot sa mahigit ₱2.5 bilyon ang halaga ng napinsalang mga kalsada at tulay.

Aniya, hindi pa kasama sa naturang halaga ang iba pang istruktura gaya ng mga paaralan at ospital.

Batay sa pinakahuling situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabuuang 713 imprastraktura sa Central Visayas ang napinsala ng malakas na lindol na tumama sa Bogo City noong Martes ng gabi.

Bukod pa ito sa 18,154 bahay sa rehiyon na nasira, kabilang ang 3,507 na totally damaged.

About The Author