dzme1530.ph

Safety inspections sa mga vital installations, dapat regular —Sen. Villanueva

Loading

Nanawagan si Sen. Joel Villanueva na gawing regular ang safety inspections sa lahat ng vital installations at critical infrastructure upang matiyak ang tuloy-tuloy na delivery ng emergency services sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.

Kasabay nito, nagpahatid din ito ng pakikiramay sa mga biktima ng lindol sa Cebu at iba pang bahagi ng Visayas, gayundin ng panalangin para sa kaligtasan ng mga rescuer at volunteers na patuloy na nagbibigay ng tulong.

Ipinahayag din ni Villanueva ang suporta sa mga kawani ng gobyerno, partikular na ang healthcare workers at social welfare officers, na walang humpay na tumutugon sa pangangailangan ng mga apektado sa mga ospital at evacuation centers habang nagpapatuloy ang search and rescue operations.

Samantala, umapela naman si Sen. Jinggoy Estrada na muling pairalin ang diwa ng bayanihan.

Giit nito, habang nagpapatuloy ang rescue, relief, at rehabilitation efforts ng pamahalaan, mahalaga ring kumilos ang pribadong sektor, NGOs, at iba pang grupo para makapagpaabot ng tulong.

Binigyang-diin ni Estrada na sa ganitong panahon, dapat isantabi ang pulitika at magkaisa sa pagtulong sa mga nangangailangan.

About The Author