Pinangunahan ni House Speaker Faustino Bojie Dy III ang Kamara sa pagdalo sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa Malakanyang.
Tiniyak ni Dy ang buong suporta ng Kamara sa legislative agenda ng administrasyong Marcos, alinsunod sa Philippine Development Plan at 8-point Socioeconomic Agenda.
Iniulat ng Speaker na 32 sa 33 measures na hinihingi ng Ehekutibo sa 20th Congress ay na-i-file na.
Ipinresenta rin ang walong panukala na posibleng mapasama sa LEDAC priority list, kabilang ang Disaster Risk Financing and Insurance Framework para sa mabilis at transparent na calamity response, pagpapalawig ng corporate life ng Bases Conversion and Dev’t Authority at pag-develop ng ilang lupain, Presidential Merit Scholarship Program para sa outstanding graduates mula sa low- at middle-income families, pagbabawal sa kaanak ng mga opisyal hanggang fourth degree na makibahagi sa government contracts, pag-regulate ng digital campaigning, AI, at social media tuwing halalan, modernization ng Bureau of Immigration, RICE Act at empowerment ng NFA, at Magna Carta for Barangay para sa benepisyo ng lokal na opisyal at komunidad.