Naniniwala si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na bahagyang luluwag ang DOJ at Senado sa paghahabol kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co matapos itong magbitiw bilang miyembro ng Kamara.
Si Co, na dating chairman ng House appropriations committee, ay isinasangkot bilang utak ng umano’y insertions sa 2025 national budget.
Pagtitiyak ni Dy, nakahanda ang Kamara na makipagtulungan sa DOJ at iba pang ahensya para matiyak na mapanagot si Co sakaling mapatunayan ang partisipasyon nito sa mga anomalya sa flood control projects at insertions.
Dagdag pa ng Speaker, maaari na ring obligahin ng Senado ang dating kongresista na dumalo sa kanilang mga pagdinig dahil wala nang “inter-parliamentary courtesy.”
Nanindigan pa rin si Dy na dapat umuwi si Co sa Pilipinas upang harapin at diretsong sagutin ang mga alegasyon ng kickback, insertions at iba pang isyu laban sa kanya.