Ipinatupad ng Taliban government sa Afghanistan ang nationwide shutdown sa telecommunications.
Naganap ito ilang linggo matapos nilang simulang putulin ang fiber-optic internet connections upang maiwasan umano ang tinatawag nilang “immorality.”
Ayon sa internet watchdog na NetBlocks, nakararanas ngayon ang Afghanistan ng “total internet blackout.”
Iniulat ng international news agencies na nawalan na rin sila ng contact sa kanilang mga opisina sa kabisera na Kabul.
Apektado maging ang mobile internet at satellite TV sa buong Afghanistan.
Mula nang muling bumalik sa kapangyarihan ang Taliban, ipinatutupad na nila ang iba’t ibang paghihigpit alinsunod sa kanilang interpretasyon ng Islamic Sharia Law.