Iginiit ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na dapat gawin sa open hearing ang lahat ng pag-amyenda ng mga senador sa panukalang pambansang budget.
Paliwanag ni Sotto, mainam na maisagawa ang mga amyenda sa second reading sa plenaryo, kung saan may pagkakataon ang mga mambabatas na magrekomenda, magbawas, magdagdag o magsulong ng realignments sa pondo ng bawat ahensya.
Nilinaw din ni Sotto na bahagi ng mandato at proseso ng mga senador ang mag-amyenda sa budget, subalit napapasama ito sa mata ng publiko dahil madalas mabansagan bilang “insertions.”
Ayon pa kay Sotto, napagkasunduan sa caucus ng mga senador na ipatupad ang ilang pagbabago sa deliberasyon ng pambansang budget upang masiguro ang transparency.
Kabilang dito ang pagsasagawa ng livestreaming sa lahat ng budget hearings hanggang sa bicameral conference committee.