![]()
Uso ngayon ang tinatawag na JOMO o Joy of Missing Out, isang positibong trend kung saan natututo ang tao na mag-enjoy sa sariling oras, at hindi kailangang laging sumali sa social events o online activities.
Ayon sa mga eksperto, nakatutulong ang JOMO para mapababa ang stress at anxiety, mapabuti ang kalidad ng tulog, mapalakas ang focus at productivity, at mapaangat ang self-esteem at emotional well-being.
Mahalaga ang praktis ng JOMO lalo na sa panahon ng digital age, kung saan madalas ay sobra ang notifications at expectations mula sa social media.
Para maipamuhay ito, mainam na mag-set ng boundaries sa social media at events, mag-enjoy sa solo activities gaya ng pagbabasa, paglalakad o hobbies, at mag-focus sa personal goals at self-care.
Ayon sa mga psychologist, ang JOMO ay isang malusog na paraan para mabawasan ang pressure ng social comparisons, at mapanatili ang balanse sa personal at social life.
