dzme1530.ph

Blue notice laban sa mga sangkot sa flood control project, pinoproseso na ayon sa DOJ

Loading

Pinoproseso na ng Department of Justice (DOJ) ang Blue Notice sa kanilang counterpart sa Interpol laban sa mga indibidwal na sangkot sa anomalya sa flood control projects, ayon kay DOJ Secretary Crispin Remulla.

Layunin ng Blue Notice na mamonitor ang mga indibidwal na sangkot sa korapsyon kahit saang bansa sila tutungo.

Kasabay nito, naghain si Sec. Remulla ng affidavit sa tanggapan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Taguig laban sa mga indibidwal na kasalukuyang iniimbestigahan ng komisyon.

Sa isang ambush interview, sinabi ni ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka na pinagtugma-tugma nila ang impormasyon mula sa kanilang mga resource persons upang malinaw kung ano talaga ang nangyari sa pondong inilaan sa naturang proyekto. Aniya, maingat ang imbestigasyon upang masigurong hindi mabasura ang kaso.

Tiniyak din ni Atty. Hosaka na magiging transparent ang ICI sa proseso ng imbestigasyon, at ipapahayag ang mga resulta sa publiko bilang bahagi ng patas na imbestigasyon laban sa ilang opisyal at dating government officials na sangkot sa flood control projects.

About The Author