dzme1530.ph

Pag-amyenda ng mga senador sa panukalang budget, hindi maituturing na masama —Sen. JV Ejercito

Loading

Hindi lahat ng amendments o pagbabago sa panukalang national budget ay maituturing na masama.

Ito ang binigyang-diin ni Senador JV Ejercito matapos kumpirmahin ni Senador Panfilo Lacson na nasa ₱100 bilyon ang naging insertions ng halos lahat ng mga senador sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act.

Paliwanag ni Ejercito, bahagi ng tungkulin ng mga mambabatas ang magpasok ng amendments upang mas matugunan ang pangangailangan ng iba’t ibang ahensya at departamento ng pamahalaan.

Dagdag pa nito, isa sa pangunahing mandato ng Kongreso ay tiyakin na may sapat na pondong nakalaan para sa mahahalagang programa at proyekto ng gobyerno.

Hindi rin anya maituturing na masama ang pag-amyenda sa panukalang budget kung hindi makikialam sa post-enactment ang mga mambabatas.

About The Author