Mahigpit na ipinatutupad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price freeze sa mga pangunahing bilihin at pangangailangan sa mga lalawigang nasa ilalim ng state of calamity bunsod ng pananalasa ng mga nagdaang bagyo, kabilang ang Nando, Mirasol, at Opong.
Ayon sa DTI, epektibo ang kautusang ito sa loob ng 60 araw, maliban na lamang kung mas maagang ipawalang-bisa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa Aklan at Masbate ay ipinatutupad ang price freeze mula Sept. 26 hanggang Nov. 25, 2025.
Hinimok ng DTI ang mga mamimili na ireport sa One-DTI (1-384) Hotline ang mga tindahan, distributor, o manufacturer na magbebenta ng pangunahing bilihin nang lampas sa itinakdang presyo.
Samantala, ipinatutupad din ang isang buwang price freeze para sa mga produktong petrolyo at 11-kilogram cylinder ng LPG sa Masbate hanggang Oktubre 26, 2025, dahil sa pinsalang iniwan ng bagyong Opong.