Limampu’t limang contractors na hinihinalang nagbigay ng illegal campaign donations noong 2022 elections ang iniimbestigahan ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, humihingi ng kumpirmasyon ang Political and Finance Affairs Department ng poll body mula sa Department of Public Works and Highways hinggil sa umano’y illegal na donasyon mula sa mga contractor.
Binigyang-diin ni Garcia na tatlong contractors ay iniugnay sa mga kandidato na may posisyon na mas mataas sa senatorial bets.
Idinagdag ng poll chief na ang kanilang imbestigasyon ay hindi nakadepende sa inquiry ng Senado at ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).