Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Mactan-Cebu International Airport ang mahigit ₱5.5 milyon na undeclared Philippine currency mula sa isang Japanese passenger noong September 21.
Ayon sa BOC, labag ito sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nagtatakda na hanggang ₱50,000 lamang ang maaaring dalhin palabas ng bansa nang walang pahintulot ng BSP. Dahil dito, ibinalik lamang sa pasahero ang ₱50,000, habang ang sobrang halaga ay isinailalim na sa warrant of seizure and detention.
Dagdag ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, bahagi ito ng mas mahigpit na kampanya laban sa money laundering at iligal na paglipat ng pera, alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pinaalalahanan ng BOC ang lahat ng biyahero na bawal magdala ng higit ₱50,000 na pera ng Pilipinas palabas ng bansa nang walang kaukulang clearance.