dzme1530.ph

Bilang ng mga kanseladong domestic flights umabot na sa 138 dahil sa Bagyong Opong

Loading

Umabot na sa 138 domestic flights ang kinansela ng apat na local airlines dahil sa sama ng panahon na dala ng Bagyong Opong, ayon sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ngayong 10:30 ng umaga.

Batay sa abiso, kabilang dito ang 39 flights mula sa Cebu Pacific, 33 mula sa Philippine Airlines, 25 mula sa Cebgo, 24 mula sa AirAsia, at 13 mula sa AirSwift.

Kabilang sa mga rutang apektado ang CebuCaticlan, Cebu–Bongao, Manila–Basco, Manila–Caticlan, Roxas–Manila, Manila–Cebu, Manila–El Nido, Zamboanga–Manila, Cebu–Dipolog, at Manila–Dipolog. Kanselado rin ang biyahe patungong Calbayog, Naga, Tacloban, Daraga, Virac, Iloilo, at Davao.

Wala namang naitalang stranded na pasahero dahil sa maagang abiso ng airline companies bago pa man tumama sa kalupaan ang bagyo.

Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na manatiling nakaantabay sa mga anunsyo para sa bagong flight schedule. Maaari rin namang magpa-refund ng pamasahe nang walang penalty.

About The Author