dzme1530.ph

Forced evacuation, ipinatupad sa Camarines Sur bago ang landfall ng bagyong Opong

Loading

Ipinag-utos ni Camarines Sur Governor Luis Raymund “LRay” Villafuerte Jr. ang forced evacuation sa mga residenteng nasa high-risk areas bago ang pagtama sa kalupaan ng Severe Tropical Storm Opong sa Bicol Region.

Inatasan ng gobernador ang lahat ng alkalde, kapitan ng barangay, at mga kaukulang disaster response agencies na agad ilikas ang mga pamilyang nakatira sa mga lugar na nanganganib sa baha, landslides, at storm surge o daluyong.

Dagdag pa ni Villafuerte, dapat magtulungan ang lahat ng kinauukulang ahensya sa pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang upang mabawasan ang epekto ng bagyo.

Tiniyak din ng gobernador na nakahanda na ang lahat ng assets para sa rescue at clearing operations, sakaling kailanganin agad.

About The Author