Tiniyak ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC), kasama ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na handa na ang Kalakhang Maynila sa posibleng epekto ng Severe Tropical Storm Opong.
Ayon sa MMDA, naka-activate na ang kanilang Emergency Operations Center para bantayan ang sitwasyon on the ground, lalo na sa mga bahain lungsod gaya ng Quezon City, Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela.
Magde-deploy din ang MMDA ng 380 personnel at nakaposisyon na ang mga emergency response equipment kabilang ang apat na rubber boats, dalawang orange boats na may outboard motors, 20 chainsaws, tatlong pruners, at tatlong extrication tools.
Nakahanda na rin para sa deployment ang mga ambulansya, tow trucks, at military trucks sakaling lumala ang sitwasyon sa Metro Manila.