dzme1530.ph

Pasok sa paaralan, tanggapan ng gobyerno sa NCR at kalapit-probinsya, suspendido ngayong Biyernes

Loading

Sinuspinde ng Malacañang ang klase sa lahat ng antas at ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na probinsya ngayong Biyernes, bilang paghahanda sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Opong.

Batay sa Memorandum Circular 102, kanselado rin ang pasok ngayong Setyembre 26 sa Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Masbate, Romblon, at Sorsogon.

Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa Aklan, Albay, Antique, Batangas, Bataan, Camarines Norte, Camarines Sur, Capiz, Cavite, Catanduanes, Guimaras, Iloilo, Laguna, Leyte, Marinduque, Negros Occidental, Oriental Mindoro, Rizal at Quezon upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Gayunman, ang mga ahensya na responsable sa basic, vital, at health services, preparedness and response duties ay dapat ipagpatuloy ang kanilang operasyon para sa tuloy-tuloy na essential government functions.

About The Author