Dismayado si Sen. Erwin Tulfo sa testimonya ni dating Department of Public Works and Highways Undersecretary Roberto Bernardo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ayon kay Tulfo, kulang sa mahahalagang detalye ang mga pahayag ni Bernardo at kakaunti lamang ang mga pangalang kanyang binanggit na sangkot umano sa iregularidad.
Sinabi ni Tulfo na tila kulang pa ang mga binanggit ni Bernardo kaya hihintayin nila ang supplemental affidavit nito.
Hinihintay rin aniya niyang mabanggit ni Bernardo ang ilang sangkot na kongresista.
Samantala, isinama ni Justice Sec. Boying Remulla si Bernardo sa Department of Justice upang sumailalim sa ebalwasyon kung papasa sa Witness Protection Program.
Ito ay makaraang hilingin mismo ni Bernardo na mabigyan ito ng proteksyon ng DOJ dahil sa kanyang mga pahayag.