dzme1530.ph

Office of the Ombudsman, kinumpirma na iniimbestigahan si COA Commissioner Lipana

Loading

Kinumpirma ng Office of the Ombudsman na may fact-finding investigation silang ginagawa laban kay Commission on Audit Commissioner Mario Lipana.

Ito ang tugon ng Ombudsman sa tanong ni Rep. Antonio Tinio hinggil sa mga personalidad na nasasangkot sa flood control scam.

Bagama’t kinumpirma, tumanggi ang Ombudsman na magbigay ng detalye.

Matatandaan na sa nakaraang budget briefing sa House Appropriations Committee, inamin ni COA Chairman Gamaliel Cordoba na may conflict of interest si Lipana dahil sa kontratista ang maybahay nito.

Ang kabiyak ni Lipana na si Marilou Laurio-Lipana ay may-ari ng Olympus Mining and Builders Group Phils. Corp., na nakakuha ng ilang kontrata sa flood control projects ng gobyerno.

About The Author