Binuksan ngayong linggo ang National Maritime Week 2025 sa temang “Our Ocean, Our Obligation, Our Opportunity.” Pinangunahan ito ng MARINA, Philippine Ports Authority at Philippine Coast Guard bilang panawagan para sa mas ligtas, malinis, at maunlad na karagatan.
Kabilang sa mga aktibidad ang bloodletting drive sa Eva Macapagal Terminal na nilahukan ng 110 donors, kung saan ang nakalap na dugo ay ibinahagi sa PGH at Gat Andres Memorial Medical Center.
Binigyang-diin ng mga opisyal mula PPA, MARINA, at PCG ang sama-samang tungkulin ng pamahalaan, pribadong sektor, at mamamayan sa pangangalaga ng karagatan, kaligtasan sa dagat, at pagbibigay ng oportunidad sa maritime industry.
Ipinagdiriwang ang National Maritime Week tuwing huling linggo ng Setyembre alinsunod sa Proclamation No. 866.