dzme1530.ph

47% conviction rate ng Sandiganbayan sa mga kaso ng katiwalian, pinuna sa Senado

Loading

Pinuna ni Sen. Kiko Pangilinan ang mababang conviction rate ng Sandiganbayan sa gitna ng mga usapin ng katiwalian sa bansa.

Sa tala, nasa 47% lamang ang conviction rate ng Sandiganbayan o halos isa sa dalawang kaso ang nauuwi sa abswelto. Ang Sandiganbayan ang nagreresolba ng mga kasong katiwalian laban sa mga opisyal ng gobyerno.

Sa pagtalakay sa panukalang budget ng Hudikatura, sinabi ni Pangilinan na muling binubulabog ng isyu ng katiwalian ang bansa, kabilang na ang dinidinig sa Senate Blue Ribbon Committee na tinawag niyang largest corruption case sa kasaysayan ng Pilipinas, ang trillion-peso scandal kaugnay sa flood control projects.

Hinamon ng senador ang hudikatura na patunayan ang kakayahan nitong maghatid ng hustisya at papanagutin ang mga nasa likod ng katiwalian. Aniya, kailangang mag-step up ang hudikatura dahil ito ang huling hakbang sa paglutas ng mga kaso ng korapsyon.

About The Author