Mahigit dalawang daang indibidwal na pinaniniwalaang sangkot sa sumiklab na kaguluhan sa anti-corruption rally sa Maynila ang nasa kustodiya na ng pulisya.
Ayon sa Manila Police District, mula sa 212 na inaresto, 89 ang menor de edad, kabilang ang 24 na ang edad ay 12 taon pababa.
Kinumpirma ng Manila City Government at ng Department of the Interior and Local Government na mayroon nang iniimbestigahang partikular na grupo at mga indibidwal na hinihinalang nasa likod ng panggugulo.
Inihayag ni MPD spokesperson Police Major Philipp Ines na ililipat ang mga menor de edad sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development, habang sasampahan naman ang iba pang mga inarestong indibidwal ng kasong kriminal tulad ng arson, direct assault, physical injuries, at malicious mischief.