Umabot na sa 26 domestic at 3 international flights ang kinansela dahil sa masamang lagay ng panahon dala ng bagyong Nando.
Sa domestic flights, kabilang ang 11 biyahe ng Cebu Pacific, 12 mula sa Philippine Airlines, 2 mula sa Cebgo, at 4 na flights ng Air Swift.
Kanselado rin ang tatlong international flights ng Cebu Pacific patungong Kaohsiung at Taipei.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na direktang makipag-ugnayan sa kanilang airline bago magtungo sa paliparan para sa kanilang rebooking o panibagong flight schedule.
Cebu Pacific – 11 domestic flights ang kanselado, kabilang ang rutang Manila–Cauayan–Manila, Manila–Tuguegarao–Manila, at Manila–Laoag–Manila.
Philippine Airlines (PAL) – 12 domestic flights ang kinansela, kabilang ang Manila–Laoag–Manila, Clark–Basco–Clark, Manila–Basco–Manila, at Manila–Cauayan–Manila.
Cebgo – 2 domestic flights ang apektado sa rutang Manila–Busuanga–Manila.
AirSwift – 4 domestic flights ang kanselado, partikular sa rutang Busuanga–El Nido at El Nido–Busuanga.
Tatlong international flights ng Cebu Pacific ang kanselado, kabilang ang rutang Manila–Kaohsiung–Manila at Manila–Taipei.