Sinimulan na ng bagong Budget Amendments Review Sub-committee (BARS-C) ang pagtanggap ng amendments sa panukalang 2026 national budget.
Ang BARS-C ay bahagi ng mga repormang isinulong ni dating Speaker Martin Romualdez para gawing mas transparent ang proseso. Live-streamed ang mga pagtalakay kaya nakikita ng taumbayan ang deliberasyon.
Ayon kay Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing, masusundan pa ang diskusyon ng panel habang may ipinapasok na amendments. Dagdag pa nito, matapos ang approval sa second reading ay hindi na sila tatanggap ng anumang pagbabago.
Matatandaan na sa lumang sistema, lumilikha ang plenary ng small committee matapos ang second reading para tumanggap ng amendments, isang proseso na hindi nakikita ng publiko.