Mahigit 100,000 katao ang nagmartsa patungong Luneta sa Maynila at EDSA People Power Monument kahapon para sa dalawang malalaking rally laban sa korapsyon.
Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, tinatayang 50,000 ang nakiisa sa “Baha sa Luneta, Aksyon sa Korapsyon” protest na inorganisa ng mga progresibong organisasyon.
Sa EDSA at White Plains Avenue naman, tinaya ng organizers sa 70,000 ang nagtipon-tipon upang makiisa sa protesta laban sa katiwalian.
Bukod sa mga demonstrasyon sa Maynila at EDSA, nagkaroon din ng anti-corruption rallies sa Cebu City, Bacolod, at Iloilo.
Sinabi ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. na naging mapayapa ang anti-corruption protests, maliban sa Mendiola kung saan may mga nasugatan at ilang indibidwal ang inaresto matapos sumiklab ang kaguluhan.