dzme1530.ph

Discaya, Alcantara, hinihikayat kumanta sa ICI

Loading

Hinimok ni Sen. Erwin Tulfo sina Pacifico “Curlee” Discaya, Sarah Discaya, at dismissed Bulacan First District Engineer Henry Alcantara na isiwalat na sa Independent Commission for Infrastructure o ICI ang mga kasabwat nilang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Kahalintulad ito ng ginawa ng dating Bulacan Assistant District Engineer na si Brice Hernandez.

Ang ICI ay itinatag ni Pangulong Marcos para mag-imbestiga sa malawakang korapsyon sa mga imprastraktura ng bansa, partikular sa flood control projects.

Layon ng ICI na matukoy ang mga nagsabwatan para ibulsa ang daan-daang bilyong pisong pondo at masampahan sila ng kaso sa korte.

Nangako ang Pangulo na walang sisinuhin ang ICI sa pagsasampa ng kaso, kahit kaibigan, kamag-anak, o kaalyado pa ng administrasyon.

Umaasa si Tulfo na madaliin na rin ng ICI ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga sangkot, dahil marami na ring ebidensyang lumabas mula sa mga pagdinig ng Blue Ribbon Committee.

About The Author