dzme1530.ph

Pangulong Marcos, nanawagan ng responsableng paggamit ng lupain para sa food security

Loading

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga magsasaka na gamitin nang responsable ang kanilang mga lupain upang matiyak ang food security at mapanatili ang mataas na antas ng produksyon sa bansa.

Ipinahayag ng Pangulo ang panawagan sa seremonya ng pamamahagi ng financial assistance at land titles sa mga magsasaka sa Bren Z. Guiao Convention Center, San Fernando City, Pampanga.

Binigyang-diin nito na ang wastong paggamit ng lupa ay susi sa masaganang pamumuhay hindi lamang para sa mga benepisyaryo kundi para sa lahat ng Pilipino.

About The Author