dzme1530.ph

Pagtatakda ng withdrawal limit sa mga bangko, malaking tulong sa pagbabantay sa money laundering activities

Loading

Welcome development para kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang aksyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na higpitan ang panuntunan sa malalaking cash withdrawal sa pamamagitan ng pagtatakda ng withdrawal limit na ₱500,000 kada banking day.

Ayon kay Lacson, sa pamamagitan nito ay mahihirapan ang mga nagbibigay at tumatanggap ng suhol.

Batay sa Circular No. 1218 series of 2025 na inilabas noong Setyembre 18, lahat ng cash transaction na lalampas sa ₱500,000 o katumbas nito sa foreign currency ay dapat dumaan sa traceable channels gaya ng checks, online fund transfers, direct credit sa deposit accounts, o digital payments.

Saklaw nito ang foreign currency transactions, na maaaring maabot sa isang transaksyon o kombinasyon ng ilang transaksyon sa loob ng isang banking day.

Maaari lamang payagan ang mas malaking halaga kung magbibigay ang kliyente ng dagdag na dokumento o patunay ng lehitimong negosyo.

Sinabi ni Lacson na sa pamamagitan ng aksyong ito ay mas madaling masusundan ng Anti-Money Laundering Council at ng bank officials ang mga iregular na transaksyon.

 

 

About The Author