Aabot sa 91 Chinese nationals na sangkot umano sa iba’t ibang ilegal na aktibidad ang idineport ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kabilang sa mga deportees ang 101 na sangkot sa illegal offshore gaming at fraud activities, at dalawang naaresto sa illegal mining.
Sakay ang mga ito ng Philippine Airlines Flight PR336 mula NAIA Terminal 1, na lumipad patungong Shanghai, China.
Ayon sa PAOCC, nahuli ang mga banyaga sa pamamagitan ng inter-agency operations na nagresulta sa pagbuwag ng mga iligal na pasugalan at iba pang sindikato sa iba’t ibang lugar sa bansa, kabilang ang Pasay, Parañaque, Biñan-Laguna, Lapu-Lapu sa Cebu, Porac at Mabalacat sa Pampanga, at Bamban sa Tarlac.
Kabuuang 103 Chinese nationals sana ang ide-deport ngayong araw, ngunit 12 ang nagkaproblema sa kanilang dokumento.
Giit ni PAOCC Usec. Gilberto DC Cruz, walang puwang sa bansa ang mga banyagang nakikibahagi sa iligal na aktibidad, at kanilang bubuwagin ang mga sindikato katuwang ang counterparts ng Pilipinas sa ibang bansa.