dzme1530.ph

Sen. Villanueva, kinompronta ang DPWH officials na nagsangkot sa kanya sa anomalya

Loading

Kinompronta ni Sen. Joel Villanueva ang mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagsangkot sa kanya sa umano’y maanomalyang flood control projects.

Harapan nitong tinanong sina Engr. Brice Hernandez at Engr. Jaypee Mendoza kaugnay ng alegasyong humingi umano ito ng ₱600-M para sa Bulacan.

Ayon kay Mendoza, base umano sa pahayag ni Engr. Henry Alcantara, nanghihingi si Villanueva ng ₱1.5 bilyon na proyekto, ngunit ang naibigay lamang ay ₱600-M.

Mariing itinanggi naman ni Villanueva ang akusasyon. Giit nito, wala itong flood control projects at hindi siya kailanman nag-request ng proyekto sa DPWH. Ipinakita pa nito kung paanong sa loob ng 20 segundo ay maaaring gumawa o mag-edit ng malisyosong mensahe sa cellphone upang palabasin na may usapan.

Bago tapusin ang pagtatanong, tinawag pa ng senador na “Blies” si Hernandez imbes na Brice, dahil aniya sa pagsisinungaling nito.

Samantala, sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na nakakita na sila ng proyekto na nagkakahalaga ng ₱600-M sa 2023 General Appropriations Act na nakapaloob sa unprogrammed fund.

About The Author