dzme1530.ph

Gretchen Barretto, dumalo sa DOJ hearing sa kaso ng mga nawawalang sabungero

Loading

Nagsumite ng counter-affidavit ang socialite-actress na si Gretchen Barretto bilang tugon sa mga reklamong isinampa laban sa kanya kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Personal na iniharap ni Barretto ang kanyang kontra-salaysay sa Department of Justice (DOJ) kanina, sa unang araw ng preliminary investigation.

Ayon kay Atty. Alma Mallonga, counsel ng aktres, nakasaad sa counter-affidavit ni Barretto ang matibay na paninindigan na wala itong anumang kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero.

Giit pa ni Mallonga, pawang alegasyon lamang ang kaso laban sa kanyang kliyente, unproven, at mula sa isang testigo na aniya’y walang kredibilidad. Umaasa ang abogado na agad itong mababasura dahil iyon umano ang itinakda ng hustisya.

Tumanggi namang magbigay ng karagdagang komento si Barretto, subalit tiniyak na naniniwala ito na magiging patas ang isinasagawang imbestigasyon.

About The Author